![Picture](/uploads/2/3/8/1/23814829/8455653.jpg?225)
At madalas kapag mga kamag anak natin, kaibigan o kakilala ay nasa ibang bansa iniisip natin na marami siyang pera, kaya ang karaniwan nating maririnig “BILLMOKO” at makakita lang ng mga bago o uso shopping dito, shopping doon.
Ang siste wala pang isang buwan naubos na si padala at mag e-email o tatawag na naman para humingi ng suporta o sustento. Barkada dito, barkada doon walang pakialam na winawaldas ang perang ipinadadala mula ABROAD.
Ngunit minsan ba ay naitanong din natin sa ating mga sarili ang nasa LIKOD ng kanilang mga NGITI?????
Saan nga ba nanggaling ang perang ipinadadala ng ating mahal sa buhay na nasa ibang bansa?
Habang sa ABROAD, maging gabi ginagawang araw matapos lang mga gawaing nakaatang, kuskos ng inidoro, hugasing tambak sa lababo, labahing gabundok sa dami, at nariyan pa ang maging kusinera sa sandamakmak na mga bisita ng pinaglilingkuran.
Kapag nagkakasakit, pipilitin pa rin na makabangon dahil kailangan. Sa oras ng pagtulog at maipahinga ang napagal na katawan, at maalala mga mahal sa buhay tanging ang apat na sulok ng kuwadradong kuwarto ang saksi sa pagluha dala ng kalungkutan at pangungulila sa mga naiwan sa sariling bansa.
Mga bagay na lingid sa ating kaalaman na hangga’t maaari ay pilit nilang ikinukubli dahil ayaw nilang mag-alala tayo sa kanila.
Dugo at pawis PUHUNAN ng mga OFW at kapag minalas pa na magkaroon ng mga walang pusong EMPLOYER ay uuwing luhaan at doble ang sakit na mararamdaman.
KAYA SANA MATUTO TAYONG PAHALAGAHAN BAWAT SENTIMO NA PINAPADALA SA ATIN NG ATING MGA MAHAL SA BUHAY NA NAGPAPAPAKAHIRAP SA IBANG BAYAN.
Mula sa Panulat ni Ladyred (definitely Filipino)